SORBETES
Sa iyo na ang aking puso
Na naninigas sa bawat
Dalisay mong ngiti
Minsan animo’y sorbetes pa
Na natutunaw sa rurok
Ng mapusok na tanghali
Sorbetes na
Nakahandusay sa daan
Tulad ng tamis
Na iniaalay ko sa’yo
At sa bawat paglingon mo
Hindi mo batid
Na ako’y lalong nanghihina
Pagka’t ako’y nagpapakaalipin
Sa ‘di mapigilang init
At nakikisuyo sa hangin
Na sana’y mapansin
Animo’y sorbetes sa kalsada
Na sadyang binuhos
At iniwanan
Ng salabaheng bata
Naisin ko mang mapagbigyang
Mapalapit sa iyo ng matagal
Mahirap iwasang matunaw muli
Kaya ang pag-ibig mo’y
Wari pangarap na lamang
Animo’y kurtinang sorbetes
Mula sa mga labing---
iyong mga labing---
matagal ko nang
Gustong angkinin.
***
Hay i'm so loving this new freedom stilt in Ateneo campus! Gives my poetry a new area to flirt in public! Hahaha! I think James Chew(Samahan secgen) was the foremost one who made this stilt possible! Ailabyu James! Hahaha! Matagal ko na itong pinangarap! Di nasayang ang 48years at 48hands na ginamit ko para mangapanya for you! Hehehe! How useless, di rin ito mababasa ni James.
Anyway, the course requirements are killing me now. As in. I think the BA program has just changed the vission-mission into something that prevents me from producing another human being for-dog's-sake. Makabaog! I have lots of papers to finish which poke me when I'm about to do nothing. *pouts*
It bothers me rin pala that the Ateneo foodcourt has brandied mocha shake. It IS brandy. My first sip with it was like a truck forcing itself to make kasya in my ears.
And oh yes, oh yes, oh yes, I am in love. *curls toes*
4 comments:
di ko yata alam yan. :D hala, kanino ka inlove?? dun sa lagi mong kasama mag absent? hahaha :D kamu na jud! :P
ka! i really like the poem!=) hahaha.
you know what? I admire you! lol nakakaaliw mga posts mo.
@kikayfairy: char. dili oi. grabe kasensationalized man mi ni leidee huh. :) naa man toy iyang char. ako sad. hehehe
@telai: dai "kurtinang sorbetes na nasa labing matagal ko nang gustong angkinin" jud ang drama kadtong nakita nako si marlon in his prom wear! syet@ scorching hot! :)
@eden: thank you dear! :) ailabyutoo. hehehe :) lokaret ako by nature. half chinese half garter. :)
Post a Comment